Mabuhay Entertainment Covers presents PAUBAYA by Moira Dela Torre - Cover by Donna Luna.

Mabuhay Entertainment Covers presents PAUBAYA by Moira Dela Torre - Cover by Donna Luna. Donna is the first runner-up of Mindanao Virtual Idol 2020 competition.

Donna's fans flooded her video with comments sharing their #Paubaya stories and experiences. Read and discuss their stories below or in YouTube.

Paubaya - (c) Moira Dela Torre Lyrics:

Saan nagsimulang magbago ang lahat Kailan nung ako'y 'di na naging sapat Ba't di mo sinabi nung una pa lang Ako ang kailangan, pero 'di ang mahal Saan nag kulang ang aking pagmamahal Lahat ay binigay nang mapangiti ka lang Ba't 'di ko nakita na ayaw mo na Ako ang kasama, pero hanap mo siya At kung masaya ka sa piling niya Hindi ko na pipilit pa Ang tanging hiling ko lang sakanya 'Wag kang paluhain At alagaan ka niya Saan natigil ang pagiging totoo Sa tuwing mababanggit na mahal mo ako Ba't 'di mo inamin na merong iba Ako ang kayakap, pero isip mo siya At kung masaya ka sa piling niya Hindi ko na pipilit pa Ang tanging hiling ko lang sakanya 'Wag kang paluhain, at alagaan ka niya Ba't 'di ko naisip na merong hanggan Ako yung nauna, pero siya ang wakas At kita naman sa 'yong mga mata Kung bakit pinili mo siya Mahirap labanan ang tinadhana Pinapaubaya Pinapaubaya Pinapaubaya ko na sa kanya

#MabuhayEntertainmentCovers #Paubaya #MoiraDelaTorre #Moira #PaubayaShortStory

Comments

  1. Kiko-rose music & vlogs

    #PaubayaShortStory
    Hello po sa lahat share q lng po experience q,😁 noon nkilala q ex q hiwalay na xa sa unang Asawa nya,at may anak sila. c girl may ibang karelasyon na din.in short may kanya-kanya na silang buhay. Nag 7 taon din kmi Ng ex q at nag ka anak din kami. Masaya kami noon,nung nag start na aq mag banda,palagi na kmi nag aaway,maxado KC seloso un.ayaw nya may ibang lalake tumitingin saakin at Yun umabot na sa time na nag kahiwalay kmi Ng almost 1month,walang communication.Tapus ayun nagkabalikan ulit kmi. Humingi xa ng tawAd na iintindihin nya na trabaho ko sa pag bbanda para na din sa anak namin. Kaso away bati parin kmi at umabot na sa puntong Kung ano-ano na Ang pinaparatang nya saakin, kexo nanlalake na raw ako etc. nanlalamig na din kmi pareho.
    Pero dhil sobra Ang tiwala q sakanya khit cp nya Hindi q pinapakialaman.Wala tlga sa isip q na gagawa sya ng Hindi maganda.. khit nahahalata q na parang may tinatago xa.

    Tumatagal tumitindi Ang away nming dalawa,. Nag hiwalay ulit kmi kc Hindi q na kinakaya mga pinaparatang nya saakin khit Hindi nman totoo.. nung magkahiwalay kmi may tumimbre saakin at nlaman q na nag roon ulit sila Ng komunikasyon Ng ex nya.
    Dun q naisip na Kya pla Kung Anu-anu pinaparatang nya saakin Kasi para Hindi xa Ang pag isipan q at ipamukha na aq Ang nagloloko saaming dalawa.

    Sinugod q xa, tinanong Kung totoo ba un at bakit, Ang sagot nya Dahil Lang dw dun sa anak nila. Humingi ulit xa Ng tawad,at Mahal na Mahal nya dw aq Hindi nya kaya nang Wala aq iyak xa Ng iyak.🙄😅
    Aq Naman syempre papatawarin KC Mahal q din ung Tao.

    naging ok pa nman kmi noon KC inisip q para din sa anak nmin. Kaso nawala na tiwala q sakanya.,hinayaan q xa sa mga gusto nyang gawin. Bumabawi nman xa minsan..kaso isang araw nsa gig aq noon.may nag txt saakin nakakita sa ex q na may ibang kasamang Babae.after Ng set nmin Sinugod q ung dalawa, ksama pala ung dati nyang Asawa Sa isang resto.
    Para akong binagsakan Ng langit at Lupa noon. Kc buntis c girl at nalaman q na hiwalay na xa sa karelasyon nya. Dun q din nalaman na Ang ama Ng dinadala nya eh ung ex q.😭😭😭 Simula pla nung una kmi nag kahiwalay dun Rin sila nag karoon ulit Ng communication sa isa't Isa at nag kikita sila kpag sa malayu Ang gig q..😭
    Narealize q Kya tumitindi away nmin noon kc prang nag hhanap na xa ng rason para mag ka hiwalay kming dalawa😭 at para makabalikan na silang dalawa Ng dti nyang asawa kc nabuntis nya ulit.😭💔 Un na ung huling pag uusap nmin,so masakit man sa part ko PINAUBAYA ko nlng xa sa dati nyang Asawa,at mukhang Mahal nya parin Ito,Mahal pa nila Ang isa't isa😭💔 kesa paulit-ulit pa nila aq saktan.😭💔👊

    LESSON
    Wag makampante kpag buhay pa ang dating Asawa Ng Asawa mo o ex Ng kasintahan mo🤣🤣✌️✌️ Dhil malaking posibilidad na mag kkabalikan pa sila Ng d mo namamalayan.Haha.😅Lalo Kung lumalamig na Ang pagsinta at Hindi na Masaya sa piling mo paubaya mo nlng sa iba KC may taong mas karapat dapat sa pagmamahal na binibigay mo..d Rin Kau magiging Masaya kpag may lamat na Ang relasyon nyo.mag susumbatan lng kau.at Wag na maging martir👊🤣🤣

    PS.after 1yr.na pag momove on May bago na din aq. Masaya na kmi pareho. At Masaya na aq na nakikita q silang dalawa na Masaya.
    (Sana nga)😅😁✌️♥️
    Thank you po😉😘

    ReplyDelete
  2. Patrick Patacsil Jr.

    #PaubayaShortStory

    I fell in love with my childhood friend. Classmates kami from Kinder Garten to Grade 6. From grade school to Senior High School I had a crush on her. In short, I have an unusual feelings for her within 9 years. I've never tell her that I like her. But I wrote a song about her, about our childhood memories, about us.

    We lost communication when we're in the middle of our High School Days. But I always remember her dahil palagi ko siyang nakikita. Nakikita ko ang litrato niyang nakadikit pa rin sa drawer ko. (Hanggang ngayon.)

    One night, Grade 12. I was browsing on Facebook and I saw a post of her with this another guy. And from that moment, I knew that she already had a boyfriend. And I saw myself crying like wth hahaha. I lost my chances. Honestly, I got bitter.

    I tried to keep myself attach to her again. And everytime I saw her with this guy, idk, I got jealous? anger? irritated?

    Until we went on a debut party. Magkakasama kami sa iisang table. Boyfriend niya, siya at ako. Nasa gitna siya. And then, there's this moment when I look at her, I saw her laughing with his man. I saw that smile that was so different from what I've used to see. I saw that sparks on their eyes. The connection, the electricity.

    In just one snap, I knew that she would never be mine. I already gave up and let her go. Letting this man to hold her hands. Masaya akong masaya siya sa piling niya. Tama na rin siguro ang ginawa kong desisyon.

    What I've learned? Just accept the fact that there's a lot of people that would gonna be a part of your life, your heart, your own story.

    Love is so flexible. Nasa kamay lang natin ang tadhana, minsan nasa hangin nalang rin na pwedeng magtulak sa'yo sa taong nakalaan para sa'yo. We can't force love. Just accept, let go, forgive and move on. 🖤

    ReplyDelete
  3. Narlyn Maarat (Part 1)

    My Kind Of PAUBAYA ��

    Hope you'd patiently read my not that long paubaya story ��

    Here it is.

    6yrs ago, 4th year highschool ako and 1st year college na sya that time. Crush ko na sya nun, not knowing na crush nya rin ako. We started showing our feelings hanggang sa nagtanungan nalang kami kung anong meron kami. Siguro, dahil mga bata pa talaga kami nun, at nabigla sa mga nararamdaman, walang ligawan, naging kami lang nang biglaan. Medyo nagsisi pa ko kinabukasan nung naging kami kaya sinabi ko sakanya na secret muna.

    After 5 months na naging kami, nagulat ako sa balitang niloko nya ko, sa tinuring ko nang halos kapatid, na kababata nya rin. Nagmakaawa sya na wag ko sya iwan. Pero months passed, naulit ulit with the same girl.

    Right after that panloloko thing, dun na nagbago lahat. Hindi na ako ganun ka importante. He got confused. Sya na mismo nagsasabi kung gusto ko na sya iwan, edi iwan. Pero I stayed. Even saying "I love you" to him na wala akong nakukuhang response, nag stay ako. Lahat yun tiniis ko until his feelings for me got back again. Mahal nya na ulit ako.

    ReplyDelete
  4. Narlyn Maarat (Part 2)

    My Kind Of PAUBAYA ��

    I appreciated his efforts na tumakas sa mama nya makita lang ako. Dahil sya nalang inaasahan ng mama nya. But for me, I only demanded his little time lang talaga. Kahit text o chat lang okay na ko. May priorities din sya sa family nya kaya naiintindihan ko naman.

    Pareho lang kaming naghihirap since we were both still studying at that time. Pero, we didn't depend on each other's sides that much kapag nagkaproblema. Merong time na I needed his help, he helped. Pero sa side nya, siguro dahil lalaki sya, kaya di sya ganun ka-open sa problema nya. Naisip ko na baka wala syang tiwala saken. Girlfriend ako pero di ko alam mga hinanaing nya sa buhay. Nag-o-open ako ng problema sakanya pero I never cried infront of him na ang cause ay problema ko sa buhay. I dunno why, pero nasanay ako na tapos na ako umiyak saka sya dumadating.

    Hanggang sa, yung relasyon namin ay parang wala na lang. May label pero wala lang. Nagtiis ako for about 3yrs na ganun ang set up. Na parang may "kami" kapag magkasama lang. Pero pag hindi magkasama, wala lang. Even chatting, calling and texting sobrang dalang. Minsan wala talaga.
    Wala naman na syang ibang babae. Di na naulit yun eversince.

    May 2018, I decided to break up with him. Sino ba namang di maiinis na yung girlfriend mismo hindi ininvite sa birthday nya. I waited for him to show up. Di ko rin kasi sure kung nasa bahay nila sya, kasi nga wala kaming communication. Nahihiya din ako sa mama nya kasi di kami ganun ka close, since madalang ako magpakita sa mama nya. Sobrang inis ko, nakipagbreak ako. Lame reason right?

    ReplyDelete
  5. Narlyn Maarat (Part 3)

    My Kind Of PAUBAYA ��

    But after 2months, ako din sumuyo sakanya kasi mahal ko pa talaga sya. And I was hoping that 2-month space is enough para marealize nya na ayaw nyang mawala ako sa buhay nya. Na babawi na sya. Bumawi naman sya. Kaso saglit lang. Balik ulit sa dati.

    Siguro dahil may part time job at nag aaral din sya. Pero di naman yun ang kinakainis ko. Ang akin lang, lend some time. Kahit goodmorning or goodnight lang mula sakanya okay na eh o magkwento sya ng araw nya after the day, maramdaman ko lang na nandyan parin sya. Ganun parin eh. Last option talaga ako lagi. Kaso kahit last listed wala ata ako dun. Ganun naman pag nasa listahan diba? Priority ka kahit pinakalast ka. Means, nasa waiting list ako. Na pag naubos na ang nasa listahan ng gagawin nya, saka ako papansinin kunsakaling may space pa.

    Hindi ko naman hinihiling sakanya na gawin akong first priority. Ang akin lang, isama nya ko sa pangarap nya. Kasi pakiramdam ko hindi ako kasama dun. Bonus lang ako.

    Kaya ayun, I started to move on kahit kami pa. I stopped bragging him about lending a little of his time for me. Kami pa, pero wala nang communication.

    And that hits me hard. Na baka nahihirapan sya lalo kasi kasama nya ko. Nahihirapan syang magdesisyon sa buhay nya. Nahihirapan syang i-manage ang time nya. Hindi sya makakagalaw ng malaya kung nasa likod nya ko na hinihila sya para bigyan ako ng time. Nalilito na sya. I can't focus on some things also kasi iniisip ko sya. Naisip ko na kelangan ko na bumitaw for good kasi pareho na kaming nahihirapan.

    May 2019, mismong monthsary namin. I cut the ties for real. At first, nag isip ako ng mga sasabihin sakanya pero that night na nagkita na kami, ang nasabi ko lang ng paulit ulit, "ayoko na, pagod na ko".

    Hindi nya ko pinigilan. Hindi sya nagmakaawa. Narealize ko din nung time na yun na di ko na sya ganun ka mahal. Sumagi din sa isip ko na baka ang pinanghahawakan ko nalang ay yung tagal namin. 4yrs and 10 months to be exact. That was long. Mahaba para sa pagtitiis at paghihintay ko sakanya. I stayed as much as I can kaso, pano naman ako? I can't wait for another year or years na ganun parin kami.

    Masarap sanang isipin na, same year kaming gagraduate ng college. Couple goals yun diba? Kaso natatakot na rin ako in the future kung sya man makakasama ko, even now, kung halimbawang kami pa, baka ganun parin kami.



    I felt relieved nung binitawan ko na sya. Nagfocus ako sa ibang bagay.
    Iilan lang din ang nakakaalam sa mga friends namin na wala na kami pero di nila ako mausisa kasi bihira nila ako makita.

    After a month, tinawagan ko sya kasi namatay kuya ko, medyo close kasi sila nun. That was unexpected and I had no one para samahan ako kasi yung mama ko, nasa malayo pa. He was there, even sa paghatid sa punerarya. Alam kong alam nya na hanggang dun nalang talaga. Thankful ako na nandun sya. Pero that doesn't mean na magiging okay na ulit kami. Di rin naman sya nagtanong kung pwede pa o ano. Maybe, our friends thought that we will be together again. But not anymore.



    Wala na akong balita sakanya after mailibing ng kuya ko and I was also busy at work.

    3months of break up, kahit risky at nakakatakot, sinubukan kong magmahal ulit. Our friends were shocked to the point na ang tingin nila saken, ansama ko para saktan sya. Di naman nila alam ang buong kwento. At diko na rin kelangan i-explain ng paulit-ulit.

    Nung nalaman ng ex ko na may bago na ako, saka nya ko hinabol. Sa isip ko "bakit ngayon lang?" 3mos had passed. Ganun na ba talaga sya ka kampante nung kami pa na di ako mawawala sa buhay nya? Kaya di nya ko sinuyo o hinabol kasi akala nya babalikan ko rin naman sya, na ako rin susuyo sakanya?
    Well, not anymore. Di ko na sya mahal talaga. Narealize ko yun nung sumugod sya sa bahay na lasing. Na hindi na talaga. Kahit umiiyak na sya sa harap ko, wala na talaga. That was our last conversation and I guess, a closure.

    ReplyDelete
  6. Narlyn Maarat (Part 4)

    My Kind Of PAUBAYA 🤗

    That was just a year ago.
    Recently, nakakapag usap na kami ulit ng simpleng batian lang. No hard feelings. But we are not friends. Churchmates kasi kami at pareho kami ng circle of friends.

    Masasabi kong, mas okay ang situation nya ngayon. Gumaan. Nakikita kong hindi na sya ganun ka-burden. Syempre nababalitaan ko na rin sa mga friends namin. May magandang trabaho at nakakakilos na walang nakakadagdag ng pressure sakanya. Wala parin naman syang girlfriend na bago pero I'd be happy for him kung meron na :)

    At ako, syempre masaya din. 1yr na kami ng boyfriend ko. Yung mga bagay na di ko naranasan sa ex ko. Pinunan nya yun. Yung takot ko na baka maloko at mabalewala, wala na :)

    Until now, some of our friends are still hoping na magkakabalikan pa kami, may pustahan pa nga sila eh. Pero wala naman na silang magagawa kung we both decided to accept our fates.

    Lesson learned:
    As what you have read, my kind of paubaya is not about pinaubaya ko sa iba yung dati kong minahal. Ang natutunan ko sa experience ko is that, matuto tayong magpaubaya through letting their wings fly freely, as well as yours. Do not hesitate to let someone go if you feel that you are both feeling burdened. Baka nag-aantayan nalang kayo. Magkusa kana lang. Lalo kung ang nakasalalay ay future nyo. Minsan kahit gano pa kayo katagal, kung di kayo nag go-grow as a partner, maybe, you are meant to grow separately.

    That's all! God bless ��

    ReplyDelete
  7. Gabriel Joshua A. Ortillano

    Hello po, Ako po c Gabriel Joshua A. Ortillano. Share ko lng po ang PAUBAYA experience ko😇

    Isa po akong BEED student of SLSU POLILLO, bago pa lamang po ako sa lugar ng polillo, quezon. dun po ako nag aral for my college life at marami narin po ako nakarelasyo there in 3 years.. Pero here comes the unexpected po talaga... One day, may classmate ako above my age at may 2 anak. Hindi ko po alam kung bakit sa tuwing makikita ko sya eh nawawala ako sa sarili, then i realized one day na OMG I'm inlove hahaha really?... tapos nagkaroon po kami ng isang okasyon sa school tapos nagkaroon po ako ng pagkakataon na lapitan sya, syempre para mag pacute muna😂. Hanggang dumating na po ung araw na naging masaya na kami sa isa't isa. then alam nyo na hehehe... yes opo naging kami and this is the relationship i really desired to be. i accepted everything she had kahit may 2 syang anak, magagalitin nanay nya, at lahit more than 10 years ang katandaan nya sa akin. we're happy to do things everyday, everywhere. Then dumating po ung araw na kelangan na po magdecide kung kanino mapupunta ung 2 anak nya if dun sa father nung mga bata or sa GF ko. tapos naalala ko mga sinabi nya sa akin nd nya kayang mawalay sa mga anak nya kc sila kumukompleto sa buhay nya. The only choice she can do is neither bibigay nya ung anak nya sa ex nya or sasama sya sa kanya para mabuo ulit cla. 😭bilang galing din po ako sa broken family, narealized ko na ako yung kelangan mag adjust at mag paubaya para sa kapakanan ng mga bata at ng kinabukasan nila. kahit mahirap sa akin ang bitawan ung mga sinabi ko na hinding dindi ko sya iiwan it still happened . ang wish ko na lng po sa ginawa kong pagpapaubaya is "sana maging worth it ung ginawa ko at hindi na ulit cla maghiwalay." note ko lang po, Hindi po ako kabit kc hiwalay na cla when we fell in love to each other and i can tell to the whole world how i loved her deep in my heart .

    Yun lang po ... hindi ko na kayang ikwento lahat😅, naiiyak nako eh🥺 untill now po, nd ko pa sya napapalitan sa puso't isip ko. wala pa po ako ulit nagiging jowa since then. thank you po😇😇😇
    #MabuhayEntertainment🥰

    ReplyDelete
  8. Shi Gail (Part 1)

    #PaubayaShortStory
    Ito ang Paubaya story ko ��

    Bata pa lang ako marami nang humahanga sa akin sa lugar na kung saan ako'y naninirahan, ganoon rin sa aking eskwelahan kaya noong high school napabarkada ako at napansin ng mga kabarkada ko bakit daw sa lahat ng magkakabarkada namin ako lang ang walang kapartner, sa madaling salita "walang Jowa" kaya akala nila bading daw ako nung oras na sinabi nila sa akin iyon nagalit ako sa kanila at muntikan na kaming mag away.

    Ilang araw kong pinag isipan ang pagdidisisiyon na mag hanap na Magiging kalaguyo ko at para mapatunayan ko sa mga kabarkada ko na mali sila.

    Ang High school life ko ay parang isang "chickboy "days,weeks, months, papalit palit ako ng mga babae ang iniisip ko noong araw na yon "ok lang kasi bata palang naman ako mag en-enjoy muna ako bilang isang teenager".

    Hanggang nag 18 yrs old ako at nagtrabaho ako sa isang fastfood chain bilang isang crew at may isang babaeng papasok sa pintuan at na patigil ang mundo ko �� actually naka nganga ang bibig ko non sa pagkakaalala ko pinagtatawanan nga ako ng manager namin eh.
    Sabi niya ilang Minuto na daw ako nakatulala kay Merry Jane, Oo si merry Jane nga at kilala ko na siya kapit bahay namin noon pero maitim pa siya noon at siya ang may crush sa akin kaso di ko siya gaano pinapansin pero minsan kaasaran ko siya, napakakulit kasi yung babae na yon..pero ngayon ang laki na nang pinagbago niya sobrang puti,makinis ang balat pero pagdak parin �� mas na attract ako sa kanya kapag nakangiti siya o tumatawa. Mula non parang na hulog na ako sa kanya sinubukan ko siyang lapitan kaso nasa trabaho pala kami kaya hinintay ko matapos ang oras ng trabaho namin. At nung uwian na hinabol ko siya pa labas at maya-maya may tumawag sa phone niya at hinintay ko pa matapos ang pag uusap nila kaso bago pa niya ibaba ang phone bigla niya sinabi sa kausap niya na "I LOVE YOU TOO" at binaba niya na ang Cellphone. Biglang napalingon siya sa likod niya at ako yung nakita niya, sabay ngumiti siya sa akin, sa pagngiti niya napautal pa ako sa natong na "si-ssino kausap mo?
    Ang sinagot niya sa akin Papa niya daw kasi namimiss na daw siya. Akala ko meron nang nauna haha at napaka saya ko sa nalaman ko yon�� ��.

    ReplyDelete
  9. Shi Gail (Part 2)

    #PaubayaShortStory
    Ito ang Paubaya story ko ��

    Simula non nakausap ko na siya kinamusta, hanggang sa binabalik-balikan namin ang mga ala-ala noon tulad ng binubully ko siya kasi nga nakakairita siya noon �� at siya naman binabalik niya yung araw na siya pa ang nanliligaw sa akin kahit na ayaw ko ����. At sabay sabing " Alam mo kaya pala ganon trato mo noon sa akin, meron ka palang JINOJOWA sa school mo at di lang iyon, meron pang mas matindi dilang isa ang jinowa mo kung hindi dalawa, tatlo o minsan pa nga apat ehh! Grabe ka talaga! nalaman ko lang yan dahil sa bestfriend ko ngayon na kasama sa mga na biktima mo noon!

    Sa totoo lang medyo napahiya ako sa binunyag niya tungkol sa akin kaya sinagot ko siya ng pabiro. "Sus nako bata pa ako non diko alam pinaggagagawa ko, pasalamat ka nga sakin kung naging tayo baka isa ka sa mga na loko ko".

    Dumating ang araw na naging malapit na kami sa isat- isa, niligawan ko siya at di nagtagal nahingi ko na ang salitang OO niya. Hindi ko na inalam kung bakit niya ako sinagot agad-agad pero para sa akin ang mahalaga masaya ako at kami na������.

    Nang makilala ko na nang lubusan si Merry napakasaya ko kapag kasama ko siya di mabubuo ang araw ko kung wala siya sa piling ko siya lang ang pinaka iba sa lahat ng mga babae na nakilala ko ����. Tumagal kami ng Isang taon at siya ang pinaka-matagal na naging Girlfriend ko, nagbago ang buhay ko dahil sa kanya kung na aalala niyo ang nakaraan naming dalawa ay masasabi natin na mali talaga ang ginawa ko sa kanya kaya yung araw na naging kami pinangako ko sa kanya na babawi ako at mamahalin ko siya araw-araw.

    ReplyDelete
  10. Shi Gail (Part 3)

    #PaubayaShortStory
    Ito ang Paubaya story ko ��

    Maraming masasayang araw na pinagdaan naming dalawa pero minsan di talaga mawawala ang matinding problema tulad ng ginagawa sa akin ni Merry Jane. Nalaman ko na meron pa lang iba Merry at nasa ibang bansa ito matagal na daw sila at nalaman ko lang ito sa katrabaho namin.

    Bago ko pa nalaman ang sikreto ni Merry Jane ay inimbitahan kami ng kasamahan namin sa trabaho na pumunta sa binyag ng kanyang anak kaso hindi makakarating si merry Jane dahil naka duty ito, kaya ako nalang magisa pumunta. Sa pagkakataon na iyon ay naginuman pa kami at mayamaya biglang hinanap ng katrabaho ko ang Girlfriend ko "Nasaan pala ang Gf mo?" at sabi ko naman "diba naka duty siya ngayon kaya di siya makakapunta". At bigla siyang nadulas sa sinabi niya " ah akala ko nakila mark eh haha". At iyon nasapak ko siya at siya naman binulgar niya parin lahat nalalaman niya tungkol sa Girlfriend ko.

    Sa sobrang sakit sa nalaman ko inisip ko lahat ng pangyayari o pagkakataon na kung may ginagawa ba talagang kababalaghan itong si Jane at wala akong ibang maisip kung di yung lagi lang tumatatak sa isip ko ay yung panahon na may tumatawag sa kanya araw- gabi, kahit na Monthsary namin, kapag nag da-date, bago matulog at iba pa,laging may tumatawag sa kanya nakangiti habang kinakausap niya Ito at laging may sinasabing paulit ulit na" I miss you" at " I love you" na realized ko na matagal na pala niya ako niloloko������

    Pagkarating ko sa bahay hinintay ko si Marry jane umuwi..
    Pag pasok niya palang mula sa pinto diko na mapigilan ang sarili ko at napamura nalang ako sa galit.
    "P******na ang tanga tanga ko !!!! Bakit hindi ko na isip Yon hah!!!! Sumagot ka nga sa akin sino ba ang katawagan mo lagi"
    Sinagot niya agad " Si papa!"

    Yan lagi niyang sinasabi "PAPA" ang Tanga lang diba? Ito na ang pagkakataon na para malaman ko na ang totoo kinuha ko agad ang phone niya sa bag at hinanap ko ang contact no. ng papa niya at yun na nga nakita ng dalawang mata ko ang number ng na nakapangalan na "PAPA" ay pang ibang bansa.. ������
    " diba ang papa mo nasa Davao lang eh bakit ang number ng papa mo dito ay pang saudi? Ang galing ano!"

    Sa sobrang takot niya sa wakas umamin na rin siya. Bago ko daw siya niligawan meron na rin nanliligaw at nauna siya kaysa sa akin. Nagiiyakan kami ng mga oras na yon ang daming kong mga tanong na gustong sabihin sa kanya na bakit niya ito nagawa sa akin. Pero ang sagot niya dapat lang daw na maramdaman ko ang sakit dahil ganito rin daw kasakit ang naramdaman ng mga niloko ko kasama na rin daw siya sa nasaktan ko noon.

    "Pero nagbago na ako!!! araw - araw ko sayo pinapakita na bakas sa puso ko na totoong minahal kita diba???pero hindi pa rin yon sapat na dahilan para lokohin mo ako! lagi kitang pinapasalamatan alam mo yan!dahil ang laking tulong mo sa buhay ko! Kaya pala ang dami mong excuses para lang makausap ang lalaki mo? Alam mo hindi pwede na mamuhay tayong dalawa na may isa ka pang lalaki!! Di pwede! Nagbabago na ang tao oh! Kaya ngayon pa lang ako na aatras tutal naman siya ang mas na una at siya ang lagi mong kausap. Kung mas masaya ka sa kanya, ako nalang ang mag PA-PAUBAYA!

    Ang natutunan ko dito ay dapat pinatagal ko muna ang panahon ng pagbabago ng buhay ko at para makita niya na totoong nagbago na talaga ako, dapat di ko muna pala minadali, baka sakaling makita niya na wala na ang dating ako, dapat ipinakita kong mabuti sa kanya na pinagsisisihan ko ang lahat ng ginawa kong ktarantaduhn bago kami humantong sa pagiibigan at para malaman ko na buo ang tiwala niya sa akin.

    Pinagsisisihan ko talaga ang Maling desisyon since high school palang ako dapat pala di ako nagpatukso sa mga kabarkada ko noon.

    Lessons learned:
    #Karma!

    ReplyDelete

  11. Sheen Ledesma


    Bakit nga ba may mga taong sa umpisa lang magaling, sa umpisa lang nagbibigay ng saya at sa umpisa ka lang mamahalin dahil iiwan ka rin naman.

    Ako si Sheen Ledesma, 19 na taong gulang. Namulat sa katotohanan simula ng ako ay nagka muwang. Di ko labis maisip na AKO ay isa sa napakaraming tao sa mundo ang napili ng Diyos na magkaroon ng isang pamilyang di buo. Ito ang kwento kung bakit ako ay ipinaubaya sa aking lola.

    Bata pa lamang ako ay kapiling ko na ang aking lola, maituturing kong kapatid ang kanyang apat na anak kabilang na doon si papa. Siya ang nagpalaki sa akin at nag aruga simula ng ako ay musmos pa. Pero ano nga ba ang dahilan bakit ako pinaubaya kay lola na kung aking tawagin ay mommy?

    Ang aking mga magulang ay nagkakilala sa paaralan, silang dawala ay batch mates kumbaga. Maagang nabuntis ang aking ina, sila ay 4th year college palamang noon. Hindi nakapag handa na ako ay darating. Sa kagustuhan ng dalawang maka graduate sila ay nagpa kasal, kasal na dapat ay taong totoong nag iibigan hindi para sa ibang dahilan🥺. Nang sila ay makapag tapos, nag desisyong mag abroad ang aking ina ako ay dalawang taon pa lamang noon. Nang nag abroad siya ay kahit isang komunikasyon ay wala kaming narinig, ipinaubaya ako ni mama kay papa. At sa nag lipas ang isa pang taong walang komunikasyon, naisipan din ni papa na mangibang bansa upang mag trabaho. At yun ang dahilan kung bakit ako pinaubaya sa aking lola, and ina ng aking ama.

    Di ko lubusang maisip noon, ang aking amang kasabay ko matulog araw araw, ang aking amang kinakantahan ako gabi gabi ay nawala ng parang bula, nawala dahil kailangan mangibang bansa upang buhayin ako, nasira man ang mga pangarap niya ngunit ayaw niya na masira ang pangarap ko. Walang kahit isang gabi na hindi ako umiiyak kakaisip kay papa. Minsan nga ay makakakita ako ng kompletong pamilya ay naiiyak ako. Lagi kong tinatanong, Lord bakit ako? Ngunit sa lahat ng pinagdaanan ko never akong naging rebelde. Di man ako lumaki sa totoo kong mga magulang e pinalaki naman ako ng mabuti ng aking lola. Mula grade 1 hanggang grade 10 ako ang nangunguna sa klase. Hanggang SHS ay achiever parin. Ipinagmamalaki ko ang aking ama, nagawa niya mang lumayo e para naman sa kapakanan ko, gusto niyang mabuhay ako ng maayos at matupad ang aking mga pangarap. May mga bagay na masakit sa umpisa pero tamag desisyon dahil maganda ang kalalabasan. Hanggang ngayon ay hindi parin kami nag uusap ng aking ina. Ni hindi ko na matandaan ang kanyang mukha. Ngunit nagpapasalamat parin ako sa kanya dahil binuhay niya ako sa loob niya ng siyam na buwan. Nagpapasalamat na iningatan ako at hindi kinitil ang aking buhay.

    Maraming uri ng paubaya sa mundo. May magaganda ang kalabasan at may hindi. Masakit man sa umpisa na mawalay sa iyong mahal at minahal sa buhay, ngunit hindi doon nag tatapos ang pag-asa. Ito dahil ay binigay ng Diyos upang tayo ay matuto at mag simula ulit. Gamitin ang karanasan upang magkaroon nga bago at mas magandang relasyon. Ako man nawalay sa aking ama, ako man ay ipinaubaya ako naman ay lumaking matapang at may pagmamahal. Kahit papaano, kahit kulang ang ibinigay na pagmamahal sa akin ng aking ina ay sobra naman ang ibinigay ng aking ama. Minsan ang pagpapaubaya sa ibang tao ay pagmamahal, pagiging matapang at pagiging may tiwala. Mahal ka niya kaya ka niya iniwan, matapang siya dahil kaya niyang aminin sa sarili niyang kaya ka niyang iwan dahil iyon ang mas nakakabuti at may tiwala siyang kaya mo dahil mas deserve mo ang mas higit pa.

    Diyan lamang nagtatapos ang aking kwento, hanggang sa muli.

    #paubayashortstory

    ReplyDelete
  12. Shiela Mae Sagayo

    My Paubaya Story.

    I have always been that kind of girl who gets attached to people easily. I treasure every friendship I make, and I get hurt easily whenever I lose a friend.

    Lately this quarantine, I've lost a precious friend of mine. For more than three years, we were great friends, we treated each other like siblings. Until one day, that friendship of ours disappeared with the wind, and left me with too many unanswered questions. "Paano tayo napunta sa ganito? Bakit ganun? Bakit kailangang magwakas ang pagkakaibigan natin?" Too many questions remained unanswered.

    It was a painful journey for me to endure. To wake up everyday and realizing that "oh, we're not already friends" is one of the hardest adjustments I have to bear with. Memories hunt me every time, and it really brings pain to my heart.

    However, I realized that I have to let that person go. Bakit? Why would I try to chase a friend who ignored you and unfriended you out of the blue? Why would I force myself to reach out to a friend who cut off his ties totally with me? Yes. It may be a painful process for me to lose a friend, but I realized that, a true friend never walks out of your life.

    Kaya PINAPAUBAYA ko na ang mga alaaalang minsan nating napagsamahan.

    PAUBAYA, to the times that you patiently waited for a car for me to ride on going home late at night.
    PAUBAYA, to the times you comforted me during my heartaches and lowest moments of my life.
    PAUBAYA, to the times you did things you've never done before just for me.
    PAUBAYA, to the times we used to hang out at your place and talk about life, studies, and other nonsense things.
    PAUBAYA, to the times we both supported our goals in life and we both believed in one another.
    PAUBAYA, to the times we shared our darkest moments in life, struggling to surpass some of life's challenges.

    PAUBAYA, to the times where we shared our smiles and laughter everytime we see each other.

    PAUBAYA sa lahat, sapagkat ang mga alaala nati'y magiging isa na lamang alamat.

    THANK YOU FOR EVERYTHING.
    Wherever you go, I pray that happiness will always be with you.

    Here's to fully closing the door of our lost friendship.

    Thank you because I learned how to be stronger. Because of you, I learned that I should not chase a person who already removed me from their life. I learned more about what a "true friendship" really means. Because of you, I learned to be more careful with how I deepen my friendship with other people, because I don't want to experience the same pain I've felt when you removed me from your circle of friends.

    Thank you for opening my heart to a more genuine friendship with other people 😇

    ReplyDelete
  13. mrleemarvin reyes

    My Paubaya Story

    I share ko lang po ang kwento nagkaroon po ako una girlfriend tapos po s una masaya tapos po habang tumatagal nagsabi na sakin ang girlfriend ko sabi sakin maghiwalay na tayo dahil hindi na kita Mahal meron na ako ibang mahal nagmaawa ako sa girlfriend ko ayaw ko siya mawala sakin lumuluhod na ako ang sabi niya sakin ayaw niya talaga nag sorry sakin at umiiyak. Ako po umiiyak din hindi matanggap dahil iiwanan ka din ng taong mahal mo hay. Yan hindi ko makalimutan sa kaya sabi ko sarili ko ayaw ko na magmahal ng isng babae pero dumating ang isang babae nkilala ko minamahal ako sobra hindi hindi na ako iiwanan kahit ano mangyari.

    Hindi mo talaga ano mangyayari sa kapalaran mo kung kayo talaga kung kayo ang tinadhana. Hindi mo ako hawak ang kapalaran si god Lang ang my hawak ng kapalaran natin lahat.

    ReplyDelete

  14. Lian Sisracon


    My paubaya story is ung pinaubaya ko na ung buhay ko ky LORD. Im a person na maraming sakit sa katawan kya sbi ko sa sarili ko bahala na sa kin c LORD kung hangang kelan ako mananatili d2 sa mundo. Pinapaubaya ko na buong buhay ko..
    My lesson is manalig lng ky LORD sya at sya lng ang nakakaalam kung hanggang saan ang dulo ng buhay mo😊

    ReplyDelete
  15. Sherell Obrador

    May Paubaya Story

    3 years ago. Mula ng akoy iwan ng aking Partner . Sumama sa ibang babae. Umalis sya at lumuwas ng Manila para doon mgsama ng kanyang karelasyon.. Nasa trabaho ako noon pag uwe ko ng bahay wala na ang mga damit at gamit nya. Tanging Sulat na lang ang iniwan nya.. Nakapaloob dun sa sulat na maghahanap dw sya ng trabaho at kukunin lang dw nya kami ng anak ko pag ok na daw ang lagay nya dun sa manila.. Ang babae ang nagpadala ng ticket sa partner ko para makaluwas sya ng manila.. Ang babae din ang gumastos ng lahat sa kanya.. Tinatawagan ko ang number nya pero hindi nya sinasagot.. Yung halos madurog ang puso ko nung malaman kong nagsasama na sila.. Yung wala na akong magawa kaya pinaubaya ko na lang .. Kahit sobrang sakit ng ginawa nya.. Nakamove on na din ako sa ngayon. Maraming salamat po.

    ReplyDelete
  16. Edgie Mateo

    # paubayashortstory

    " ITO ANG AKING PAUBAYA STORY"

    NAME: Edgie Guerrero Mateo
    AGE:. 19
    ADDRESS:. Tarlac city
    NATIONALITY:. Filipino
    ZODIAC SIGN:. Libra
    FAVORITE COLOR: Orange

    ...Hello! Ako si Edgie Mateo, isa akong College Student ngayon sa Tarlac Agricultural University (TAU). MASIYAHIN, MADALDAL, at MABAIT. Simpleng tao lang ako hindi MAYABANG, hindi KAGALINGAN, hindi SIKAT, at hindi KAGANDAHAN. SAKTO LANG!!!hehe😘❤️

    Bata palang ako iba na yung tinitibok ng puso ko, Lagi ko ngang tinatanong sa SARILI ko kung bakit ako nagkakagusto sa KAPWA ko, kapwa ko lalaki???
    Minsan tinatanong ko yung SARILI ko, BAKLA BA AKO? SIGURO NGA OO!!!
    ACCEPT ko naman kung BAKLA ako e! pero tanong ko ulit sa SARILI ko ACCEPT din kaya ako sa IBANG tao.
    Ang Hirap naman ang daming katanungan sa akin at alam ko naman siguro na lahat ng katanungan na yan ay may sagot. Diko din alam kung TAMA o MALI.

    Gaya mo din naman ako ah!!! Isa ring TAO, nasasaktan, may PAKIRAMDAM at nabubuhay sa mundong ito.

    Pero bakit parang ganun iba yung TREAT ng ibang tao saakin.☹️

    Isa akong GAY, at bilang isang BAKLA, BAYOT, BADING, ay hindi madali para saakin dahil naka EXPERIENCE ako ng BULLIYING simula bata pa ako.

    Many times and types of bulliying ang naranasan ko nung bata ako andyan yung TINUTULAK ka, INAAWAY ka, at SINUSUNTOK ka ng walang dahilan.☹️

    When I was on 3rd High School nagkaroon na ako ng madaming kaibigan, natututo na rin na ipaglaban yung sarili ko. Nakakaramdamn nadin ng PAG- IBIG❣️ na tinatawag.☺️
    Dumating na yung araw na maiinlove na ako, like i said bata palang ako kapwa ko lalaki na yung gusto ko.

    As a PART and MEMBER of LGB'T COMMUNITY ❤️ay alam kong hindi madali ang magmahal. Pero yung gusto ko at mahal ko ay naging kami😮👀❤️(YES! NAGING KAMI NG 1 YEAR AND 2MONTHS❣️)

    Sa gitna ng aming Relationship O PAGMAMAHALAN❤️ nakaramdam kami ng TAKOT😨, SAYA☺️, at tagos sa pusong mapanakit na SALITA☹️ .
    At alam kong hindi lahat ng ito ay DAHILAN kung bakit siya NAKIPAGHIWALAY SAKIN.😢😭

    Ang DAHILAN ay may MAHAL at GUSTO na siyang iba,💔😭😢😭nahanap na niya yung babaeng MAGPAPASAYA, MAGPAPALIGAYA at MAGMAMAHAL na sa kanya. Kahit kami pa😢💔

    After a FEW days HE Chat me " GIE, AYOKO NA BREAK NA TAYO." (1 hour ago) bago ko pa nabasa message nya sakin💔😢😭 I REPLY "Uyy!! BAKIT???

    Pero hindi ko na siya ma REPLAYAN nung araw na yun because he BLOCK me☹️💔😢😭😭😭 and I try to search HIM on Facebook but he also BLOCK me"😢😢😢hindi ko na rin mahanap account nya.😭😭

    Pero bakit ganun AGAD-AGAD , BIGLA BIGLA NALANG 💔😭😭 😭😭 😭 ( SEPTEMBER 05, 2017 HAPPENED )tandang tanda ko pa tong date na to.💔😢😭

    At yun PINAUBAYA KO NA SA KANYA YUNG TAONG MAHAL KO PA AT GUSTO KO PA💔😭😭😭😭

    Hindi ako bigla naka MOVEON sa nangyari saakin, and it takes a 2 MONTHS bago ako nakapagSIMULA ULIT at hindi ko naman makakalimutan yun lahat ng iyon eh!! Andyan parin yung araw na MAAALALA mo talaga at hindi naman na gaya ng DATI yung SAKIT na nararamdaman.

    After that 2 months NAG FOCUS ako sa ibang bagay at TINANGGAP KO kung ano yung nangyari sakin before. Ganyan talaga ang BUHAY, TULOY LANG SA AGOS.☺️❤️


    ANG AKING NATUTUNAN AY..............
    • Matutong Magpatawad☺️
    • Mahalin ang Sarili ❤️
    • Yakapin ang Sarili🤗

    " MAY MGA BAGAY TALAGA NA HINDI PARA SA ATIN, AT LAHAT NG MGA BAGAY NA HINDI MAGANDA NA NAGYARI SA ATING BUHAY BINIGAY LAHAT YAN SAATIN NG DIYOS UPANG HINDI TAYO SAKTAN, KUNDI MAGING MATAPANG, MATATAG, AT PROTEKSYUNAN TAYO SA LAHAT"❣️

    ...Muli ako si Edgie Mateo at ito ang aking Paubaya story☺️

    ISHARE MO NA DIN ANG IYONG PAUBUYA STORY MO.....................☺️.

    #Mabuhayentertainment #PaubayaShortStory

    ReplyDelete
  17. Michael Joe Dela Paz

    My Paubaya Story

    Ang aking pananaw tungkol sa awiting "Paubaya" ay sobrang masakit sa damdamin at nakakalungkot, mararanasan ko ang mga pagdadaanan kong mabigat na pagsubok mula noon hanggang ngayon.

    Noong ako ay limang taong gulang pa lang, hindi siya nakinig sa aking mungkahi tungkol sa pakikipagkasundo namin ng magkakapatid dahil magkaaway kami parang hinihiwalay ako ng aking ama sa aking mga kapatid para di na tuluyang magkabalikan. Noong ako ay labing-isang taon hanggang ika dalawmput taong gulang, nawalan ako ng pag-asa at pariwara ako sa buhay kagaya ng palaboy laboy ako sa lansangan, walang makain, pero may gumagabay sa akin sa pag,aaral kahit ganito buhay ko, nairaraos ko sarili ko ito ang pinakamabigat, nakakalungkot at kaawang-awang pagsubok na dinaanan ko. Balang araw, makakaahon ako sa kahirapan lahat ng pagsubok na dinaanan ko ay buburahin ko na sa isipan ko pero masakit at malungkot kapag naalala ko ito.

    Babalikan ko ang awiting ito na kung saan maraming aral na mapupulot ko at ihahantulad ko sa aking buhay, magsisilbing gabay para lahat ng mabigat kong pagsubok ay mawawala na rin magpakailanman.
    Ito po ang pagtatapos ng aking istorya tungkol sa buhay ko.

    Ang aking natutunan sa istorya na nailahad ko ay sa una ay mabigat balang araw makakaahon din ako. Pangalawa, sa awiting ito ay malungkot at marami akong matutunan na aral tungkol doon at, huli ang pagiging kawalan ng pag-asa sa buhay kapag di ko ito pinalampas habang buhay na magpapariwara at wala nang gagabay sa akin.
    Maraming Salamat Po!

    ReplyDelete
  18. Allure Amar

    "PAUBAYA"

    Almost 3 years na ang dumaan nung nag PAUBAYA ako kaysa patuloy akong masaktan. 🥺 His name "Jade" (ndi nya tunay na pangalan) nakilala ko sa sya sa mall kung saan din ako nagtatrabaho bilang saleslady 😊. Una sya nag approach sakin sa papamagitan ng pag message sa Facebook, nung una ndi ko sya nirereply 😅hindi sa ayaw ko syang kachat hehe pero sadyang busy ako lagi at may relationship problem din ako 😊Opo may bf ako nun pero nagkakalabuan na din relasyon namin at ndi din nagtagal nauwi din sa hiwalayan🥺. Habang naglalakad ako pabalik sa stall namin galing ako CR bigla nalang may tumawag ng pangalan ako kaya na Palingon ako at ayon nga si Jade nakangiting nakatingin sakin. Araw araw lagi akong chinachat ni Jade, nagyaya lumabas o di kaya nagyaya kumain. Siguro isang buwan din ginagawa nya yun na kahit minsan ndi ko sya nirereplayan maulit paren 😊minsan pa nga nagugulat nalang ako may nagpapadala ng pagkain sakin na may sulat 😅. Hindi nagtagal nahulog loob ko sa kanya 🥰mabait kc sya, mapagbigay, maappeal din naman, nakakatawa at lalo na makulit hanggang sa naging kami kaso walang 2weeks may nalaman ako 🥺🥺. Nalaman ko na may jowa pa lang syang bakla kasama nya pa sa iisang bubong at almost a year na din pala sila 😞😖 hindi sa pagiging o.e pero masakit lang isipin na may kahati ka pala sa kanya 💔huli ko na nalaman iyon at sa kaibigan ko pa eto nalaman 😖 bakit ganun kung kailan hulog na hulog na ako sa kanya 😢. Habang nasa work ako nun siya lang laman ng isip ko, lagi kung tinatanong sa sarili ko kung totoo ba iyon o hindi, tama ba itong pinasok ko? at sana mali sila 💔. Kaya nung uwian na tenext ko sya na magkikita kami sa may labas ng simbahan. Halo halo nararamdaman ko nun 😖 habang nag aantay sa kanya, papalapit syang nakangiti at nung makalapit sya magsasalita sana sya pero in unahan ko agad sya. Tinanong ko agad sya tungkol dun kung totoo yun 😔, nagulat sya sa tanong ko, nawala yung magaganda ngiti nya at halos di makakibo 😖kaya hindi na ako nagtanong pa ulit, tumalikod na agad ako dahil sa tutulo na mga luha ko at para ndi na din nya makita 😭. Hindi pa ako nakakalayo biglang may humawak sa kamay ko kaya na patingin ako, si Jade nag explain sya at totoo nga ang mga nalaman ko, pinakinggan ko naman sya sa mga explanation nya pero ndi ako kumikibo, tahimik lang ako nun dahil sa nasasaktan ako 💔hinatid nya ako sa sakayan hinayaan ko lang din. Nung makarating ako sa boarding House na inuupahan ko dun ako umiyak ng umiyak😭 sobrang sakit! Kung kailan mahal na mahal muna sya tas malalaman mo may kahati ka pala sa kanya 💔 Chinat ko sya yung mga gusto kong sabihin sa kanya na ndi ko masabi na kaharap sya dahil baka maiyak lang ako dinaan ko nalang sa messenger. Nag PAUBAYA akong mas piliin nya yung jowa nyang bakla kaysa sakin dahil sila matagal na at kami ay Dalawang linggo pa lang naman 😅nagpaubaya na din ako dahil sa mas kakagaan pa ito nararamdaman ko. Kinabukasan nun ndi ko sya kinakausap, ndi na din ako dumadaan sa hallway nila kung nasaan stall nila 😊, lumipas ang ang isang linggo bigla syang nagchat na uuwi na daw ng probinsya, eh ayaw ko naman maging bitter kaya nireplayan ko din na keep safe always! May kasabihan nga nila "KUNG MAHAL MO KAYA MONG BITAWAN KAHIT MASAKIT PAG ALAM MONG MAY MALI" 😊♥️ kaya yun binitawan ko sya, pinaubaya ko sa bakla nya 😂.
    --
    Tatlong taon nang nakaraan pagkakaalam ko sa buhay nya ngayon nag aaral yata sya para makapag abroad tapos eh ako naman heto may sariling pamilya na ♥️😍😊 may isang anak sampung buwan gulang 💕at Thanks kay God na binigyan ako ng mabait na asawa.

    Godbless you all and more power Mabuhay Entertainment ♥️🌟

    ReplyDelete
  19. James kenneth Lignig

    #PaubayaShortStory

    Ang patak ng ulan ang tanging ingay na maririnig ko sa loob ng kotse. Nasa gilid ng kalsada sa gitna ng gubat. Mga hating gabi na nang oras na yon. Pinikit ko ang aking mata habang nakikinig ng kantang Paubaya.

    Naramdaman ko sa gilid ng aking pisngi ang halik at luha ko'y biglang tumulo. Hindi ako gumalaw o kumibo. Hinayaan kong dadamin ng puso ko ang halik na aking naramdaman.

    Nung paalis na ang kanyang labi sa aking pisngi ay narinig ko ang kanyang boses na sinabi na "tatlong taon na iyon James. Hindi mo kasalanan. Mahal kita, at sana patawarin mo na ang sarili mo. Paubaya mo sa panginoon ang sama ng loob mo"

    Dinilat ko ang aking mata at sa huling pagkakataon akoy umiyak habang tini tingnan ang lugar kung saan kami na aksidente sa kotse ni irene. At kung saan siya nawala.

    The end.

    Hehe.

    ReplyDelete
  20. Lian Sisracon

    #paubayastory

    My paubaya story....😊😊😊


    (habaan ko na para valid na😁😁)


    Since elementary days nakararanas na ko ng pagbuly sa kin ng mga clasmate ko...d ko alam kung bakit dahil na rin cguro sa panget ako😅😅 kya habang tumatagal nagiging lalong mahiyain ako at laging nag iisa..
    High school nmn nagkaroon ako ng konting freands pero nandon pa rin ung ugali ko na walang tiwala sa sarili... 3rd year high school ako non ng mag simulang lumuwa ung isa kong mata.. Nandon ma nmn ung mga panunukso sa kin na malaki mata,banlag,panget😢😢😢
    Tanggap ko nmn na panget ako at alam ko lalo un sa sarili ko pero masakit pla na madinig un lalo na sa ibang tao na wala ka nmng ginagawang masama...
    Mahirap lng kami kya d agad ako napacheck up non...lagi akong umiiyak at nagtatanong bkit ganon,bakit ganto mabait nmn ako pero bkit ako pinapahirapan.. Nung nakapangutang na c mama pinacheck up ako at don nalaman nA my hypertyroidsm ako kya lumuluwa ang isa kong mata... Uminom ako ng gamot sari sari pra lng gumaling ako.......
    Then after ko maggraduate ng high school tinutulungan ko c mama non maglaba ksi labandera xa at ako tagabanlaw para madali syang makatapos. Bigla na lng akong nawalan ng balanse non at nagtaob namaga agad ung hita ko non, pag kakatanda ko iyak ako ng iyak pero walang luha na nalabas(d ko alam cguro naubos na😅😅) dinala ako ng amo ni mama sa ospital at agad pina xtray...ung inexamin na ung xtray ng hita ko my napansin ang doctor banda sa tuhod ko ampaw daw ang tuhod ko kaylangang operahan para makita kung bakit ganon at ung bali ko nmn sa hita kailangang tapalan ng stainles sa buto kxi bali talaga at d maibabalik pag semento lng...
    Two weeks pa bago ako naoperahan kz minonitor pa nla ung sakit ko sa thyroid bka daw mag 50'50 ako pag inoperahan agad..nakita ng doctor na my giant cell tumor ako sa tuhod at kung d naagapan un magiging cancer sa buto...

    Iniicip ko nnmn that time bkt sa kin nangyayari to ,malas ba ko, mahal ba ko ng Dyos, bakit ganon lahat na ata ng sakit pinakyaw ko na... Matagal bago ako nakarecover non madaming pagsubok akong nalampasan...

    Sa dinamidami ng mga sakit kong nalampasan ( nagkaron din ako ng bukol sa suso😥😥) buhay pa din ako at nananatiling nakangiti kht na nahihirapan pa din ako.. Pinapaubaya ko na ang buong buhay ko ky Lord... Di nmn nya ko bbgyan ng problema kung d ko malalampasan at d ko kakayanin. Hanggang dito na lng kz naiiyak ako eh pag naaalala ko mga pag hihirap ko😊😊😊

    My lesson is iPaubaya mo kay LORD ang lahat lahat sa buhay mo, pag my problemang dumating sa buhay mo icipin mo lagi pagsubok lng yan at hindi nya ibibigay kung hindi mo kakayanin.. 😊😊😊
    Sana mainspire kayo sa kwento ko khit hindi to lovestory😊😊😊

    Salamat po...

    Thank you Lord💖💖💖

    ReplyDelete

  21. Sheila Mae Yatar

    Ayoko na balikan yung time na nagpaubaya ako... 😢😢 Masaya na ako ngayon 😁😁
    Ipinauubaya ko na sa iba na sila ang manalo...
    Anyways ang sakit pakinggan ng kanta, yung mapapa emote ka kahit hindi ka broken hearted hahahah

    #MabuhayEntertainment

    ReplyDelete

Post a Comment